Thursday, April 30, 2026

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗚𝗘 𝗖𝗢𝗔𝗟𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡: 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗜𝗧𝗔𝗔𝗦! 𝗕𝗨𝗪𝗜𝗦 𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔! 𝗠𝗔𝗚𝗪𝗘𝗟𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗗𝗜𝗢𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗨𝗡𝗢!



Bukas, Mayo Uno, Laboy Day, higit 20,000 manggagawa mula sa pinakamalawak na kilusang paggawa sa ngalan ng National Wage Coalition ay sama-samang pupunuin ang España, magmamartsa patungong Mendiola, at magwewelga laban sa Gobyernong pabaya sa manggagawa: SAHOD ITAAS! BUWIS IBABA! MAGWELGA BUONG BANSA! 

Kung kayo ay kaisa sa panawagan na ITAAS ANG SAHOD nang ₱200 hanggang sa antas na nakabubuhay sa buong bansa, IBABA ANG BUWIS sa bilihin at sahod dahil ang sobrang yaman at sobrang kita ang dapat mas buwisan, at ARESTUHIN, hindi lang basta ‘nahuli,’ ang LAHAT NG KORAP, ano pang hinihintay ninyo: SUMAMA NA BUKAS SA MAYO UNO! 

𝟳:𝟯𝟬 𝗔𝗠 - 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝗶𝗻 𝗘𝘀𝗽𝗮ñ𝗮 𝗕𝗼𝘂𝗹𝗲𝘃𝗮𝗿𝗱
𝟴:𝟬𝟬 𝗔𝗠 - 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝘁𝗼 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗶𝗼𝗹𝗮
𝟵:𝟯𝟬 𝗔𝗠 - 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿

Ang National Wage Coalition ay pinangungunahan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa Labor Coalition (Nagkaisa!), at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at binubuo ng iba’t ibang unyon, samahan ng manggagawa, at kaalyadong organisasyon. 

𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗪𝗘𝗟𝗚𝗔!
𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗠𝗢!
𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗜𝗦 𝗠𝗢!


Wednesday, April 29, 2026

NATIONAL WAGE COALITION: SAHOD ITAAS! BUWIS IBABA! MAG-WELGA BUONG BANSA!



Kasado na ang malawakang Labor Day protest ngayong May 1.

Bukod sa wage hike, hiling din ng mga raliyista na palitan na si DOLE Secretary Bienvenido Laguesma.


Thursday, April 2, 2026

PAHAYAG NG PAGKONDENA NG KILUSAN-TUCP - Hindi makatarungang pagpapatalsik ng Asia Brewery sa 139 na manggagawa


Mariing kinokondena ni Arthur F. Juego, Presidente ng Pambansang Kilusan ng Paggawa (Kilusan-TUCP), ang hindi makatarungang pagpapatalsik ng Asia Brewery sa 139 na manggagawa nito.

Ang maramihang pagtanggal na ito ay naganap matapos manindigan ang mga manggagawa para sa kanilang karapatan sa makatarungang bahagi ng mga benepisyo (just share of benefits) mula sa kumpanya. Ayon kay President Juego, ang aksyong ito ay isang malinaw na pag-abuso sa kapangyarihan at paglabag sa karapatan ng mga manggagawa na humiling ng disenteng pamumuhay at sapat na kompensasyon.

"Hindi katanggap-tanggap na ang tugon ng kumpanya sa makatwirang hiling ng mga manggagawa ay ang pag-alis sa kanilang kabuhayan. Ang 139 na pamilyang nawalan ng hantungan ay biktima ng anti-worker na polisiya na hindi natin papayagan," pahayag ni Juego.

Nananawagan ang Kilusan-TUCP sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad na i-cite ang kumpanya sa labor violations, ipatigil ang tanggalan, at tiyakin ang agarang reinstatement ng mga apektadong manggagawa.

Ibalik ang mga tinanggal na manggagawa!
Hustisya para sa mga manggagawa ng Asia Brewery!

Thursday, March 26, 2026

Emergency Power without Sectoral Consultation and Cohesive Plan is Prone to Abuse



The declaration of a national state of energy emergency by Ferdinand Marcos Jr. raises serious questions among them, the lack of clear plan and democratic consultations with different sectors.

Extraordinary powers demand a clear plan. Yet the government has not presented a concrete strategy explaining how these emergency powers will actually address the crisis. Declaring a national emergency without a clear roadmap is the perfect recipe for abuse.
Executive Order No. 110 itself concedes that the measures to address the crisis are to be undertaken ‘under existing laws.’ In other words, the power was always there - the plan was not.

Instead of resorting to sweeping emergency measures without a clear program, the President should have convened a national summit bringing together workers, employers, farmers, transport groups, and civil society to unite the country around a common strategy to confront the crisis.

Workers and ordinary people are the ones suffering from rising prices and economic uncertainty. They deserve more than vague declarations and emergency powers.

If the government has no clear answers and ends up more confused than the vulnerable sectors, then it should have the humility to ask the people. Real solutions will not come from emergency proclamations but from a nation mobilized behind a clear, democratic plan to confront the crisis.

Workers do not need a state of emergency; they need a State with a plan. If government cannot present one, it should at least have the humility to listen by convening a forum for consultation —otherwise, all we have is sound and fury, signifying nothing.