Mariing tinutulan ng Pambansang Kilusan ng Paggawa – Kilusan TUCP ang Php 50 dagdag sa minimum wage sa NCR. Sa bagong sahod na Php 695/day, take-home pay ng manggagawa ay nasa Php 562/day — malayo sa Php 1,197/day na cost of living ayon sa IBON Foundation, at sa Php 20,000/month poverty threshold ayon sa SWS.
Ang Php 50 ay hindi sapat. Hamon namin sa wage board subukan ninyong mabuhay sa Php 562 kada araw, ayon kay Arthur F. Juego, Pangulo ng Kilusan TUCP.
Panawagan:
Ipatupad ang Php 200 legislated wage hike
I-certify as urgent ang panukala sa Kongreso
Repasuhin ang Wage Rationalization Act
Makatarungan, hindi limos, ang dapat na sahod para sa manggagawa.
No comments:
Post a Comment