Thursday, April 30, 2026

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗚𝗘 𝗖𝗢𝗔𝗟𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡: 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗜𝗧𝗔𝗔𝗦! 𝗕𝗨𝗪𝗜𝗦 𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔! 𝗠𝗔𝗚𝗪𝗘𝗟𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗗𝗜𝗢𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗨𝗡𝗢!



Bukas, Mayo Uno, Laboy Day, higit 20,000 manggagawa mula sa pinakamalawak na kilusang paggawa sa ngalan ng National Wage Coalition ay sama-samang pupunuin ang España, magmamartsa patungong Mendiola, at magwewelga laban sa Gobyernong pabaya sa manggagawa: SAHOD ITAAS! BUWIS IBABA! MAGWELGA BUONG BANSA! 

Kung kayo ay kaisa sa panawagan na ITAAS ANG SAHOD nang ₱200 hanggang sa antas na nakabubuhay sa buong bansa, IBABA ANG BUWIS sa bilihin at sahod dahil ang sobrang yaman at sobrang kita ang dapat mas buwisan, at ARESTUHIN, hindi lang basta ‘nahuli,’ ang LAHAT NG KORAP, ano pang hinihintay ninyo: SUMAMA NA BUKAS SA MAYO UNO! 

𝟳:𝟯𝟬 𝗔𝗠 - 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝗶𝗻 𝗘𝘀𝗽𝗮ñ𝗮 𝗕𝗼𝘂𝗹𝗲𝘃𝗮𝗿𝗱
𝟴:𝟬𝟬 𝗔𝗠 - 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝘁𝗼 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗶𝗼𝗹𝗮
𝟵:𝟯𝟬 𝗔𝗠 - 𝗦𝘁𝗮𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿

Ang National Wage Coalition ay pinangungunahan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa Labor Coalition (Nagkaisa!), at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at binubuo ng iba’t ibang unyon, samahan ng manggagawa, at kaalyadong organisasyon. 

𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗪𝗘𝗟𝗚𝗔!
𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗠𝗢!
𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗜𝗦 𝗠𝗢!


No comments:

Post a Comment