Friday, August 7, 2026

RALLY SA DOLE CENTRAL OFFICE: IPATUPAD ANG ₱85 DAGDAG-SAHOD SA METRO MANILA! PANAGUTIN ANG LAHAT NG NAGNAKAW SA SAHOD NG MANGGAGAWA!



Ngayong umaga, nagmartsa ang mga manggagawa sa pangunguna ng National Wage Coalition (NWC), na binubuo ng BMP, KMU, NAGKA1SA!, at TUCP, patungo sa DOLE Central Office upang igiit ang agarang pagpapatupad ng ₱85 minimum wage increase sa Metro Manila.

Kasabay ng emergency meeting ng National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC), hinimok ng mga manggagawa ang pamahalaan na gamitin ang lahat ng legal na hakbang upang ipagtanggol ang Wage Order, tiyakin ang agarang pagpapatupad nito, at panagutin ang mga gumagamit ng mga petisyon at iba pang legal na maniobra upang hadlangan ang matagal nang nararapat na dagdag-sahod.

Iginiit din ng TUCP na dapat ibasura ang anumang TRO at mga kasong naglalayong pigilan ang wage increase. Kasabay nito, muling isinulong ng organisasyon ang agarang pagpasa ng ₱200 legislated nationwide wage hike tungo sa isang tunay na living wage, kasama ang mga reporma para sa seguridad sa trabaho at kalayaan sa pag-oorganisa.

No comments:

Post a Comment